RPBP Author, nagwagi sa Saranggola Blog Awards 2019

Nagkamit ng ikalawang karangalan si Annalyn Biagtan, isa sa mga awtor ng Rebo Press Book Publishing (RPBP) sa ginanap na Saranggola Blog Awards (SBA) para sa taong 2019. Dala na rin ng limitasyon ng extended community quarantine sa Kamaynilaan at sa iba pang lupalop ng bansa, inilunsad ang online awarding ceremony ng SBA sa opisyal na Facebook page noong ika-12 ng Hunyo.

Si Annalyn Biagtan ay isa sa mga miyembro ng KADLiT: Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Ang kaniyang mga akda ay napabilang sa Kadlit Magasin ng naturang grupo. Ito rin ang kaniyang unang beses ng paglahok sa SBA, at sa patimpalak ng pagsulat ng kuwentong pambata.

Ang Saranggola Blog Awards ay taunang patimpalakan na naglalayong palawigin ang esensya ng blogging o ang pagsusulat ng mga maikling kuwento, dagli, kuwentong pambata, tula, at sanaysay sa wikang Filipino. Ito ay inilulunsad nina Bernand “Blue” Umali at Beverly “Bebang” Wico Siy.

Sa ikalabing-isa na taon ng SBA, ang napiling tema para sa pagsulat ng kuwentong pambata ay ang mga aral o gawi na dapat matutunan ng mga kabataan sa paparating na dekada.

Mababasa ang akdang “Ang Bagong Selpon ni Piyo” sa “Kapit-Kamay: Kumpol ng mga Bagong Kuwento para sa mga Kabataan”, isang kolaborasyon ng mga kuwentong pambata mula kina Annalyn Biagtan at Maria Kristelle C. Jimenez.

Mula sa RPBP, ikinararangal namin ang naturang karangalan at nawa’y magpatuloy ang paglikha ng mga katha.

Categories:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s