Frank G. Rivera

author | actor | director

Tubong Paete, Laguna, si Frank G. Rivera ay premyadong makata’t manunulat ng maikling kuwento, dula, at mga sanaysay sa Filipino at Ingles, mandudula-direktor-aktor-kompositor-guro-scenographer sa tanghalan, radyo, telebisyon at pelikula. Ang kanyang mga dula at mga orihinal na zarzuela ay patuloy na ipinalalabas ng iba’t ibang grupong panteatro sa mga paaralan at sa maraming tanghalan sa buong bansa. Isang lymphoma cancer-survivor, nabuo itong una niyang nobela matapos ang apat na operasyon, labing-isang sesyon ng chemotherapy, at halos isang taong singkad na pamamalagi sa ospital. Pinarangalan siya ng bayan ng Paete nang isang museo, aklatan, galleria at teatro ang itinalaga sa ikatlong palapag ng munisipyo at tinawag na Bulwagang Frank G. Rivera.


MGA PARANGAL:

  • Fr. Francisco Demetrio Award for Theater from Xavier University, Cagayan De Oro (2015)
  • Fr. Satur Nery Environmental Heroism Award for Eco-Media Education (2012)
  • Gawad Balagtas para sa Teatro from UMPIL (2005)
  • Gawad Alab ng Haraya for Published Works in 2005: The Makata sa Cellphone Trilogy (2006)
  • National Book Award for the Makata sa Cellphone Trilogy (2005)
  • National Book Award for Drama for Oyayi (2004)
  • Global Filipino Literary Award for Drama for Mulat: Mga Isyung Panlipunan sa Mga Dulang Pantelebisyon (2003)
  • Carlos Palanca Memorial Awards for Literature for the full-length play in English, The Adventures of Pilandok (2002)
  • National Fellow for Drama, University of the Philippines, Likhaan Creative Writing Center (2001-2002)
  • Gawad Urian Best Screenplay for Fatima Buen Story (1996)
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan sa Teatro, City of Manila (1997)
  • Metro Manila Film Festival for Best Screenplay from the Halimaw sa Banga (1986)
  • Carlos Palanca Memorial Awards for Literature for Ama (1974)
  • Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, One-Act Play, Maskara (1973)