Marius D. Carlos, Jr.

author | researcher | consultant

Si Marius Carlos, Jr. ay tubong Nueva Ecija, na ngayo’y namamalagi na sa Pampanga. Nagtapos siya ng BA Comparative Literature (Cum laude) sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Nagsulat na para sa iba’t ibang publikasyong digital at print sa Pilipinas at sa ibang bansa, tulad ng Philippines Graphic, Manila Times, Reader’s Digest Southeast Asia, Playboy Philippines, Rappler, Breaking Asia, at iba pa. Nakapaglimbag na rin sa digital ng dalawang koleksiyon ng tula, dagli, at maikling kuwento sa Google Play Books.

Kasalukuyang nagsisilbing partner at editor ng independent writing group at publishing house na Rebo Press Book Publishing, na naglalayong palawigin ang kapangyarihan ng independent publishing sa buong bansa. Co-founder din siya ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik, kung saan nag-mentor siya ng mga batang manunulat mula hayskul hanggang kolehiyo sa paraan ng online seminar at mga sesyong Kadlit Klasrum.


MGA PARANGAL:

  • Unang Karangalan, Saranggola Blog Awards 2017 (Sanaysay)
  • English Fictionist of the Year, Gawad Digmaang Rosas XIV
  • Ikatlong Karangalan, Saranggola Blog Awards 2019 (Sanaysay)
  • Unang Karangalan, Saranggola Blog Awards 2019 (Pagsusuri ng Akda)